Pangangasiwa sa taniman at mga hakbang pangbayo-sekyuridad para sa Eucheumatoids: Mga kultibar, peste at sakit, mga risgo o peligro at mga paraan sa pangasiwaan nito

2021 
Ang polyeto na ito ay inihanda at isinulat ng GlobalSeaweedSTAR Philippine Team sa payak na lengwahe matapos ang apat na taong pananaliksik sa industriya ng pag-aalaga ng mga halamang-dagat sa Pilipinas. Nais nito na maipaunawa sa iba’t ibang mga stakeholder ng industriyang panghalamang-dagat (seaweed industry) ang mga bagay na may kinalaman sa pag-aalaga ng mga halamang-dagat mula sa punto de vista ng 'bio-eco-physiology' at akwakultura, hanggang sa pag aanalisa ng ‘social network’ na sumasaklaw din sa risgo at mga peligro at mga stratehiya sa pangagasiwa nito. Bukod dito, nirerekomenda sa pamamagitan ng polyetong ito ang pagsasagawa ng mga mambabatas ng mga patakaran na may kinalaman sa pagsakatuparan ng mga pang bayo-sekyuridad na alituntunin upang maiwasan o mabawasan ang pagkakaroon ng mga sakit sa mga halamang-dagat, sa pagbawas ng mga hamon o risgo sa produksyon, antas ng pagbebenta, at pagproseso sa pag-iisip ng mga stratehiya sa pangangasiwa sa risgo at peligro. Ang mga patakaran na ito na base sa siyensiya ay magdudulot ng mas matatag, mapapanatiling maganda ang kapaligiran at mas likas-kayang akwakultura ng halamang-dagat sa Pilipinas.
    • Correction
    • Source
    • Cite
    • Save
    • Machine Reading By IdeaReader
    0
    References
    0
    Citations
    NaN
    KQI
    []